Ano ang mga pamamaraan ng pagkukuwento?


Ano ang mga pamamaraan ng pagkukuwento?

Iba’t-ibang pamamaraan ng pagkukuwento. Maaari kayong gumamit ng libro at mga kasangkapang pangkuwentuhan. Tingnan ninyo ang mga ito:

Pagkukuwento ng may libro
- Basahin ninyo nang malakas ang kuwento mula sa libro. Kailangang nakaharap sa mga bata ang mga pahinnag binabasa ninyo. Huwag kalimutang tingnan ang mga bata habang nagbabasa.

Pagkukuwento nang walang libro
- Isalaysay ang kuwento nang hindi umaasa sa libro. Sa pamamaraang ito, magagamit ninyong mabuti ang inyong mukha’t katawan sa paglalarawan ng mga pangyayari sa kuwento.

Mga Kasangkapang pangkuwentuhan
- Maaring gumamit ng mga papel, cut-out origami, diorama, pisara, at iba pa sa pagkukuwento.