Ano ang halimbawa ng pabula?

Pabula ang tawag sa kuwento na ang lahat o ang pangunahing tauhan ay mga hayop na may katangiang pantao. Kadalasan, may aral na hatid ang pabula. Tanyag na pabula ang "Si Pagong at si Matsing" at may aral na huwag mandaraya sa kapwa. Sa pabulang ito nakuha ang popular na kasabihang "Tuso man ang matsing, napaglalalangan din."


Ang artikulo na ito ay galing sa isang libro na muling isinulat sa blog na ito upang maidagdag sa mga hinahanap ng mag-aaral.